• 29th January
    2012
  • 29
  • 29th January
    2012
  • 29
  • 28th January
    2012
  • 28
  • 28th January
    2012
  • 28
  • 28th January
    2012
  • 28
Post

Oi ano na?! Gising, Tol. Tumatanda ka na, tol.

junsabayton:

Gising, Tol. Tumatanda ka na, tol.

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito
mong kanta.

Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.

Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.

Tatay at nanay na lagi ang role ng crush na crush
mong mga matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng
“PENDONG!”. Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na
yung napapraning.

Parang botika na ang cabinet mo. May
multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly,
tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon,
sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung
anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng
mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa
canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya
ninyo.

Wala na ang best friend mo na lagi mong
pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na
lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka
sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod
ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.
Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo
araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto
ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang
pagkakaibigang umusbong
galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong
pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera.

Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na
ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng
tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card
mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant
pancit canton.
Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang
fettucine alfredo mo.

Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo
para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy
kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,
maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa
income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na
sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin,
hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka.

Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa
lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.

Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.

Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang
mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan
mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

Aaaaaawwwww….

  • 25th January
    2012
  • 25
  • 14th January
    2012
  • 14
  • 10th January
    2012
  • 10
  • 10th January
    2012
  • 10
Post

Women, From A Guy Who Loves One

awesomemist:

Mula sa chart ng human reproductive organs, na madalas idikit sa blackboard ng iyong Biology teacher, hanggang sa signage ng mga public comfort rooms, men and women are always portrayed as the same kind, but light years apart when it comes to similarity. Halos pareho pero sobrang mag-kaiba. Anlabo ba? Kasi tignan mo:

 

(a) Parehas kayong tao, parehas kayo ng nationality, parehas kayo ng salita, parehas kayo ng sinabi, pero mag-kaiba ang ibig sabihin.

 

Question: Pwede bang i-cancel muna yung date natin?

 

Boy: “Ok lang..” - Ibig sabihin, sakto lang, di siya badtrip, di rin siya natuwa.

Girl: “Ok lang..” - Ibig sabihin, abot langit ang kanyang pagka-inis, di pa naman siya nakatulog ng ilang araw kakaisip ng date na yun, bumili pa siya ng bagong damit at nag-google ng mga make-up tips, tapos sasabihin mong canceled. Malamang sinasak ka na niya ng basag na salamin, kung malapit ka lang.

 

(b) Parehas kayong tao, parehas ng dami ng ngipin, parehong kailangan mag-sipilyo, parehong brand ng toothbrush, pareho ng functions and features, pero mag-kaiba ang itsura.

 

Boy: Toothbrush: Kulay blue.

Girl: Toothbrush: Kulay pink, may ulo ni hello kitty, tumutunog ng “fireworks” by Katy Perry, tuwing ginagamit, may naka-emboss na pangalan niya sa handle, strawberry scented, glow in the dark ang bristles, may sticker sa likod na “I Am Pretty”, may nakakabit na key-chain at may bluetooth.

 

Men and women practically existed together for the longest time, pero hindi parin nila nade-decipher ang bawat isa. Kung meron mang impormasyon, malamang “tip of the iceberg” lang yun. And as a guy, i admit, noon, para sakin, parang alien ang mga babae. Mahirap silang intindihin. Mahirap i-spell. Mahirap basahin ang utak (kaya nga daw pangalan ng babae ang ibinibigay sa isang bagyo o sama ng panahon). That was until i met someone great and showed me, na may mas malalim pa sa mga jokes about female stereotypes.

 

1. Ang mga babae, madaldal/mabunganga - Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanong sila kung kumain ka naba, kapag ginigising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at yayaing mag-almusal, at sa mga pagkakataong nag-aalala sila sayo at tinatanong kung nasaan kana. Walang duda. Madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang e “Oo”, “Hindi” at “Pwede”. Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay niyo nun.

 

2. Ang mga babae, masyadong sentimental - Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa niyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan ninyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan di niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa nalang niya sa Facebook ang pag-alala ng iyong kaarawan. Tapos tamang post nalang sa wall mo ng “hapi bday”.

 

3. Ang mga babae, emosyonal - They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti nalang tayo hindi. Kinikimkim lang natin lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya e magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng thumb wrestling. Di ba mas logical yun? At bakit ba gusto nila laging pag-usapan ang mga nararamdaman ng bawat isa? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo. Laging nag a-iloveyou, i miss you, take care at mwah mwah sa text o IM. Asar ka naba at nako-cornyhan?  Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya. At ise-send ang mga yun sa iba.

 

 

Women are probably the greatest gift to men, from God, besides beer and sizzling sisig. At para sakin, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang love life. Sana, walang babaeng heart-broken. Kasi, tayong mga lalake, we’re meant to pursue them and it’s ok if we fail from time to time. It’s the way nature intended it. Gaya ng paghabol ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas ok kung tayo nalang yung masaktan. E sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng “dalaw” at nababaliw kada buwan, nabubuntis at maghihirap ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba naman pasayahin sila at gawing “scar-free” ang kanilang buhay pagibig.

 

And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don’t ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya ok lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi paba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng romantic DNA sa katawan? Malaki man ang populasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulit ng tulad niya. Na magtya-tiyaga sayo.

 

Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap paring umuwi sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo.

Aaaawwww… <3

  • 7th January
    2012
  • 07
  • 7th January
    2012
  • 07
  • 7th January
    2012
  • 07
  • 6th January
    2012
  • 06
Post
This, my people, is how you fall in love. You jump on in there and go for broke. Your heart may get squashed, but heck, at least you can say you gave it your all. And if you aren’t willing to put it all on the line, well, maybe you don’t really deserve the big romantic stuff.
hhmmmmkaaaayyyy….

(Source: followandreblog, via awesomemist)

  • 4th January
    2012
  • 04
  • 4th January
    2012
  • 04